Petsa:
_________________
Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 31:Kakayahan Ko, Ibabahagi Ko
(Unang Araw)
I. Layunin
- Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
napakinggang usapan
II. Paksang-Aralin
- Pakikinig sa Isang Usapan
III. Panlinang na Gawain
A. Paunang Pagtataya
Ipasuri
ang larawan. (larawan ng isang bata na nagpapakain ng alagang hayop.)
Pasulatin
ang mga bata ng dalawang tanong tungkol sa larawan.
Ipabasa ang
isinulat na mga tanong.
Ipaskil ang mga
papel na pinagsulatan ng mga bata ng tanong upang sila na rin
ang
magsuri kung tama o mali ang mga ito sa susunod na aralin.
B. Tukoy-Alam
Tutukuyin ng mga bata kung kaya o hindi
nila kayang gawin ang makikita sa mga larawang ipakikita. Kung kaya, tumayo sa
tapat ng paskil na KAYA KO at kung hindi naman ay sa tapat ng HINDI KO KAYA. Gamitin
ang mga larawan na sumusunod. Maaari rin naman na gumamit ng mga larawan na
mayroon na.




C. Paglalahad
Linangin ang salitang talento.
Tumawag ng ilang bata upang magpakita ng
kanilang talento.
Ano ang ibig sabihin ng salitang talento?
D. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas sa mga bata.
Si Thea
Tuwang-tuwa
ang lahat ng mga bata sa bahay-ampunan. Dumating na ang mga mag-aaral sa
kalapit na paaralan upang magkaroon ng isang maikling palatuntunan.
Ilang
minuto na lang magsisimula na ang palabas, pero hindi pa rin dumarating si
Nerry. Siya pa naman ang unang kakanta bilang pambukas ng palatuntunan.
Bb.
Hilario : Naku, nasaan na kaya si Nerry?
Magsisimula
na tayo, naiinip na ang mga bata.
Bunny : Opo nga, e. Andito na ang
lahat ng magsisiganap
at
ang lahat ay handa na. Si Nerry na lang talaga ang kulang.
Bb. Hilario : Ano ba ang maganda
nating gawin?
Trining : Alam ko na po, baka
puwedeng si Thea na ang
gumanap
ng parte ni Nerry. Pag nag-eensayo kasi
tayo lagi ko siyang nakikitang nakikisabay kay Nerry sa pag-awit.
Malugod na tinanggap ni Thea ang
alok ng kaniyang guro at mga kaibigan. Buong husay siyang umawit sa harap ng
mga bata. Lalo siyang ginanahan nang makita niya na tuwang-tuwa ang lahat ng
mga bata sa loob ng bulwagan.
Sino-sino ang nag-uusap?
Ano ang pinagkakaabalahan ng lahat?
Ano ang naging suliranin nila?
Ano sa palagay mo ang nangyari kay Nerry?
Paano nabigyan ng solusyon ang kanilang
suliranin?
Paano mo ilalarawan si Thea?
Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Thea?
Ipaliwanag ang sagot.
Paano mo ibabahagi sa iba ang iyong
talento?
E. Pagpapayamang Gawain
Pangkat-pangkatin
ang klase.
Paghandain ang
bawat pangkat ng isang usapan tungkol sa kani-kanilang talento o kakayahan.
Tawagin ang
bawat pangkat upang iparinig ang kanilang usapan.
Magtanong sa
mga bata tungkol sa napakinggang usapan.
F. Paglalahat
Ano ang
natutuhan mo sa aralin?
Natutuhan ko sa
araling ito ang pagsagot nang wasto sa mga tanong tungkol sa napakinggang usapan.
G. Karagdagang Pagsasanay
Ipaulat ang isang usapang napakinggan mula sa mga kaibigan.
Petsa:
_________________
Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 31:Kakayahan Ko, Ibabahagi Ko
(Ikalawang
Araw)
I. Layunin
- Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa
II. Paksang-Aralin
- Pag-unawa sa Binasa
III. Panlinang na Gawain
A. Tukoy-Alam
Ano-ano ang kaya mong gawin?
Hayaang ipakitang-kilos ito ng mga bata.
Tutukuyin ng
mga bata ang kilos na ipinakita ng kaklase.
Itanong: Nagagawa ninyo rin ba ito?
B. Paglalahad
Ipasulat sa mga
bata sa mapa na nasa pisara ang naaalala nila sa salitang kariton.





Ipabasa at
pag-usapan ang mga salitang naisulat ng mga bata sa mapa.
Ipabasa ang
pamagat ng teksto sa Alamin Natin, p. 125.
Bakit “Natatanging Regalo” ang pamagat ng
teksto?
Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.
Ipabasa ang “Natatanging Regalo” sa p.
125.
C. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Tungkol saan ang balitang binasa?
Bakit “Natatanging Regalo” ang pamagat ng
teksto?
Ano ang regalong binanggit sa teksto?
Paano ito dapat gamitin?
Ano ang ibubunga kung gagamitin ito nang
tama sa sarili? Sa kapwa? Sa bansa?
Ilarawan ang
Pilipino na binanggit sa teksto.
Bakit siya
dapat tularan?
Paano mo siya
matutularan?
Bakit siya
dapat ipagmalaki?
Ano-ano ang
kakayahan mo na dapat mo ring ibahagi sa iba? Paano?
D. Pagpapayamang Gawain
Pasagutan sa
pangkat ang organizer na makikita sa Linangin Natin, p. 126.
Pag-uulat ng
bawat pangkat.
Talakayin sa
klase ang tamang sagot sa mga tanong na makikita sa organizer.
E. Paglalahat
Ano ang
natutuhan mo sa aralin?
Natutuhan ko sa
araling ito na masasagot nang wasto ang mga tanong tungkol sa aking binasa kung
uunawain nang mabuti ang nilalaman nito at tatandaan ang mahahalagang
impormasyon na nakapaloob dito.
F. Karagdagang Pagsasanay
Gumawa ng ilang news room sa loob
ng silid-aklatan.
Gumupit ng ilang kopya ng balita. Idikit ito sa manila paper at
sulatan ng limang tanong.
Ipaskil ang mga ito sa loob ng silid.
Pangkat-pangkatin ang klase. Ipagawa ang
Pagyamanin Natin, p. 126.
Papiliin sila ng isang news room.
Ipabasa ang balitang nakapaskil dito at pasagutan din ang inihandang
katanungan.
Matapos ang ilang minuto, bigyan ng
hudyat ang bawat pangkat na makapunta naman sa ibang news room.
Gawin ito hanggang sa makabalik sa
orihinal na news room ang bawat pangkat.
Matapos ang inilaang oras, ipaulat sa
bawat pangkat ang sagot sa mga tanong na binasa sa news room na unang
napuntahan.
Pag-usapan ang
sagot ng mga bata.
Petsa:
_________________
Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 31:Kakayahan Ko, Ibabahagi Ko
(Ikatlong
Araw)
I. Layunin
- Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar at pangyayari
II. Paksang-Aralin
- Wastong Pagtatanong
III. Panlinang na Gawain
A. Tukoy-Alam
Hayaang pumili ang mga bata ng isang bagay
o larawan mula sa kanilang gamit.
Pagbigayin sila ng isang tanong at
pasagutan sa isang kaklase.
Isulat sa pisara ang tanong na ibibigay
ng mga bata.
Ipabasa ang mga
tanong na isinulat sa pisara.
B. Paglalahad
Ipabasang muli
ang teskto na nasa Alamin Natin, p. 125.
C. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang tanong na ginawa ng mga bata
tungkol sa kanilang binasa.
Isulat ang mga
ito sa pisara at ipabasa sa mga bata.
Paano sinimulan ang mga tanong?
Paano ito tinapos?
Ano-anong salita ang ginamit upang
simulan ang tanong?
Kailan ginagamit ang ano? Saan? Sino? Kailan? Ilan?
Ano ang sagot
na ibinibigay sa tanong na nagsisimula sa ano? Saan? Sino? Kailan? Ilan?
Ano ang ibig
sabihin kapag ang ano/saan/sino ay inuulit?
Balikan ang mga
tanong na ibinigay sa pag-uumpisa ng klase.
Tama ba ang
pagkakagawa ng mga ito?
Ano ang dapat tandaan kapag magtatanong
sa ibang tao?
D. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 127.
Ipabasa ang mga ito at tumawag ng ibang bata
upang sagutin ito.
Talakayin kung tama ang pagkakagawa ng
mga tanong.
E. Paglalahat
Ano ang dapat
tandaan sa pagtatanong?
F. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.127.
Pag-uulat ng sagot sa pagsasanay.
Pabigyang-puna ang ginawang tanong ng mga
bata sa kanilang kaklase.
Petsa:
_________________
Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 31:Kakayahan Ko, Ibabahagi Ko
(Ikaapat
na Araw)
I. Layunin
- Nasisipi nang wasto at maayos ang mga
talata
- Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian
batay sa pangangailangan
II. Paksang-Aralin
- Pagsipi ng mga Talata
III. Panlinang na Gawain
A. Tukoy-Alam
Ano-ano
ang pangkalahatang sanggunian?
Anong
impormasyon ang makukuha sa bawat isa?
B. Paglalahad
Ipabasang
muli ang talata sa Pagyamanin
Natin, p. 131.
C. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang tinutukoy na natatanging regalo?
Paano ito dapat gamitin?
Bakit kailangang ibahagi ang mga ito?
Paano mo mapapaunlad ang kakayahan mo?
Ipabasa muli ang “Natatanging Regalo.”
Ano ang pamagat
nito?
Paano ito
isinulat?
Ilang talata
ang bumubuo dito?
Paano
sinisimulan ang talata?
Ano-ano ang
dapat tandaan sa pagsulat ng talata?
D. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 127.
Ipasuri ang natapos na gawain gamit ang rubric
sa Patnubay ng Guro, p. 170.
E. Paglalahat
Ano ang
natutuhan mo sa aralin?
F. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin p. 128.
Bigyan ng sapat na oras ang mga bata
upang maisagawa ang mga ito.
Matapos ito, bigyang-puna ang sagot na
ipapasa ng mga bata.
Petsa:
_________________
Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 31:Kakayahan Ko, Ibabahagi Ko
(Ikalimang
Araw)
Panlingguhang Pagtataya
Magpatukoy ng isang natatanging Pilipino
na nais makapanayam ng mga bata.
Bigyan ng ilang minuto ang mga bata upang
magbasa tungkol sa napiling natatanging Pilipino.
Magpagawa ng tatlong tanong na nais ibigay
ng mga bata sa natatanging Pilipinong nais nilang
makapanayam.
Ipagamit ang format na ito.



