Sabado, Disyembre 3, 2016

One Week Lesson Plan in Filipino ni Dianne Cornel BEED III- D DAY

Petsa: _________________

Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 31:Kakayahan Ko, Ibabahagi Ko
(Unang Araw)

I. Layunin
  • Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang usapan

II. Paksang-Aralin
  • Pakikinig sa Isang Usapan

III. Panlinang na Gawain

A. Paunang Pagtataya

Ipasuri ang larawan. (larawan ng isang bata na nagpapakain ng alagang hayop.)
Pasulatin ang mga bata ng dalawang tanong tungkol sa larawan.
Ipabasa ang isinulat na mga tanong.
Ipaskil ang mga papel na pinagsulatan ng mga bata ng tanong upang sila na rin
ang magsuri kung tama o mali ang mga ito sa susunod na aralin.

B. Tukoy-Alam

Tutukuyin ng mga bata kung kaya o hindi nila kayang gawin ang makikita sa mga larawang ipakikita. Kung kaya, tumayo sa tapat ng paskil na KAYA KO at kung hindi naman ay sa tapat ng HINDI KO KAYA. Gamitin ang mga larawan na sumusunod. Maaari rin naman na gumamit ng mga larawan na mayroon na.







C. Paglalahad

Linangin ang salitang talento.
Tumawag ng ilang bata upang magpakita ng kanilang talento.
Ano ang ibig sabihin ng salitang talento?

D. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Basahin nang malakas sa mga bata.
Si Thea
Tuwang-tuwa ang lahat ng mga bata sa bahay-ampunan. Dumating na ang mga mag-aaral sa kalapit na paaralan upang magkaroon ng isang maikling palatuntunan.

Ilang minuto na lang magsisimula na ang palabas, pero hindi pa rin dumarating si Nerry. Siya pa naman ang unang kakanta bilang pambukas ng palatuntunan.

Bb. Hilario : Naku, nasaan na kaya si Nerry?
Magsisimula na tayo, naiinip na ang mga bata.

Bunny : Opo nga, e. Andito na ang lahat ng magsisiganap
   at ang lahat ay handa na. Si Nerry na lang talaga ang kulang.

Bb. Hilario : Ano ba ang maganda nating gawin?

Trining : Alam ko na po, baka puwedeng si Thea na ang
   gumanap ng parte ni Nerry. Pag nag-eensayo kasi
   tayo lagi ko siyang nakikitang nakikisabay kay Nerry sa pag-awit.

Malugod na tinanggap ni Thea ang alok ng kaniyang guro at mga kaibigan. Buong husay siyang umawit sa harap ng mga bata. Lalo siyang ginanahan nang makita niya na tuwang-tuwa ang lahat ng mga bata sa loob ng bulwagan.

Sino-sino ang nag-uusap?
Ano ang pinagkakaabalahan ng lahat?
Ano ang naging suliranin nila?
Ano sa palagay mo ang nangyari kay Nerry?
Paano nabigyan ng solusyon ang kanilang suliranin?
Paano mo ilalarawan si Thea?
Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Thea? Ipaliwanag ang sagot.
Paano mo ibabahagi sa iba ang iyong talento?

E. Pagpapayamang Gawain

Pangkat-pangkatin ang klase.
Paghandain ang bawat pangkat ng isang usapan tungkol sa kani-kanilang talento o kakayahan.
Tawagin ang bawat pangkat upang iparinig ang kanilang usapan.
Magtanong sa mga bata tungkol sa napakinggang usapan.

F. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Natutuhan ko sa araling ito ang pagsagot nang wasto sa mga tanong tungkol sa napakinggang usapan.

G. Karagdagang Pagsasanay

Ipaulat ang isang usapang napakinggan mula sa mga kaibigan.








Petsa: _________________

Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 31:Kakayahan Ko, Ibabahagi Ko
(Ikalawang Araw)

I. Layunin
  • Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa

II. Paksang-Aralin
  • Pag-unawa sa Binasa

III. Panlinang na Gawain

A. Tukoy-Alam

Ano-ano ang kaya mong gawin?
Hayaang ipakitang-kilos ito ng mga bata.
Tutukuyin ng mga bata ang kilos na ipinakita ng kaklase.
Itanong: Nagagawa ninyo rin ba ito?

B. Paglalahad

Ipasulat sa mga bata sa mapa na nasa pisara ang naaalala nila sa salitang kariton.
Text Box: Kariton

Text Box: IguhitText Box: Sino?Text Box: Ano?







Ipabasa at pag-usapan ang mga salitang naisulat ng mga bata sa mapa.
Ipabasa ang pamagat ng teksto sa Alamin Natin, p. 125.
Bakit “Natatanging Regalo” ang pamagat ng teksto?
Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.
Ipabasa ang “Natatanging Regalo” sa p. 125.

C. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Tungkol saan ang balitang binasa?
Bakit “Natatanging Regalo” ang pamagat ng teksto?
Ano ang regalong binanggit sa teksto?
Paano ito dapat gamitin?
Ano ang ibubunga kung gagamitin ito nang tama sa sarili? Sa kapwa? Sa bansa?
Ilarawan ang Pilipino na binanggit sa teksto.
Bakit siya dapat tularan?
Paano mo siya matutularan?
Bakit siya dapat ipagmalaki?
Ano-ano ang kakayahan mo na dapat mo ring ibahagi sa iba? Paano?



D. Pagpapayamang Gawain

Pasagutan sa pangkat ang organizer na makikita sa Linangin Natin, p. 126.
Pag-uulat ng bawat pangkat.
Talakayin sa klase ang tamang sagot sa mga tanong na makikita sa organizer.

E. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Natutuhan ko sa araling ito na masasagot nang wasto ang mga tanong tungkol sa aking binasa kung uunawain nang mabuti ang nilalaman nito at tatandaan ang mahahalagang impormasyon na nakapaloob dito.

F. Karagdagang Pagsasanay

Gumawa ng ilang news room sa loob ng silid-aklatan.
Gumupit ng ilang kopya ng balita. Idikit ito sa manila paper at sulatan ng limang tanong.
Ipaskil ang mga ito sa loob ng silid.
Pangkat-pangkatin ang klase. Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 126.
Papiliin sila ng isang news room. Ipabasa ang balitang nakapaskil dito at pasagutan din ang inihandang katanungan.
Matapos ang ilang minuto, bigyan ng hudyat ang bawat pangkat na makapunta naman sa ibang news room.
Gawin ito hanggang sa makabalik sa orihinal na news room ang bawat pangkat.
Matapos ang inilaang oras, ipaulat sa bawat pangkat ang sagot sa mga tanong na binasa sa news room na unang napuntahan.
Pag-usapan ang sagot ng mga bata.



















Petsa: _________________

Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 31:Kakayahan Ko, Ibabahagi Ko
(Ikatlong Araw)

I. Layunin
  • Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar at pangyayari

II. Paksang-Aralin
  • Wastong Pagtatanong

III. Panlinang na Gawain
A. Tukoy-Alam
Hayaang pumili ang mga bata ng isang bagay o larawan mula sa kanilang gamit.
Pagbigayin sila ng isang tanong at pasagutan sa isang kaklase.
Isulat sa pisara ang tanong na ibibigay ng mga bata.
Ipabasa ang mga tanong na isinulat sa pisara.

B. Paglalahad
Ipabasang muli ang teskto na nasa Alamin Natin, p. 125.

C. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang tanong na ginawa ng mga bata tungkol sa kanilang binasa.
Isulat ang mga ito sa pisara at ipabasa sa mga bata.
Paano sinimulan ang mga tanong?
Paano ito tinapos?
Ano-anong salita ang ginamit upang simulan ang tanong?
Kailan ginagamit ang ano? Saan? Sino? Kailan? Ilan?
Ano ang sagot na ibinibigay sa tanong na nagsisimula sa ano? Saan? Sino? Kailan? Ilan?
Ano ang ibig sabihin kapag ang ano/saan/sino ay inuulit?
Balikan ang mga tanong na ibinigay sa pag-uumpisa ng klase.
Tama ba ang pagkakagawa ng mga ito?
Ano ang dapat tandaan kapag magtatanong sa ibang tao?

D. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 127.
Ipabasa ang mga ito at tumawag ng ibang bata upang sagutin ito.
Talakayin kung tama ang pagkakagawa ng mga tanong.

E. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa pagtatanong?

F. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.127.
Pag-uulat ng sagot sa pagsasanay.
Pabigyang-puna ang ginawang tanong ng mga bata sa kanilang kaklase.


Petsa: _________________

Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 31:Kakayahan Ko, Ibabahagi Ko
(Ikaapat na Araw)

I. Layunin
  • Nasisipi nang wasto at maayos ang mga talata
  • Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian batay sa pangangailangan

II. Paksang-Aralin
  • Pagsipi ng mga Talata

III. Panlinang na Gawain
A. Tukoy-Alam
Ano-ano ang pangkalahatang sanggunian?
Anong impormasyon ang makukuha sa bawat isa?

B. Paglalahad
Ipabasang muli ang talata sa Pagyamanin Natin, p. 131.

C. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang tinutukoy na natatanging regalo?
Paano ito dapat gamitin?
Bakit kailangang ibahagi ang mga ito?
Paano mo mapapaunlad ang kakayahan mo?
Ipabasa muli ang “Natatanging Regalo.”
Ano ang pamagat nito?
Paano ito isinulat?
Ilang talata ang bumubuo dito?
Paano sinisimulan ang talata?
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata?

D. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 127.
Ipasuri ang natapos na gawain gamit ang rubric sa Patnubay ng Guro, p. 170.

E. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?

F. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin p. 128.
Bigyan ng sapat na oras ang mga bata upang maisagawa ang mga ito.
Matapos ito, bigyang-puna ang sagot na ipapasa ng mga bata.







Petsa: _________________


Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 31:Kakayahan Ko, Ibabahagi Ko
(Ikalimang Araw)



Panlingguhang Pagtataya

Magpatukoy ng isang natatanging Pilipino na nais makapanayam ng mga bata.
Bigyan ng ilang minuto ang mga bata upang magbasa tungkol sa napiling natatanging Pilipino.
Magpagawa ng tatlong tanong na nais ibigay ng mga bata sa natatanging Pilipinong nais nilang
makapanayam.
Ipagamit ang format na ito.

Text Box: SanggunianText Box: Pamagat ng BinasaText Box: Siniping talata mula sa binasa

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento